ISINAPUBLIKO | Isa nanamang drug matrix, inilabas ni PRRD

Manila, Philippines – Inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isa nanamang Drug Matrix na nagawa ng intelligence community kaugnay sa operasyon ng iligal na droga.

Ito ang ibinigay ni Pangulong Duterte kagabi sa Malacañang Press Corps kung saan nakalagay ang matataas na opisyal ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na sinasabing sangkot o di naman kaya ay mga protector ng iligal na droga.

Sa dokumentong idiniclasify ni Pangulong Duterte na may petsang September 12, 2018, ito naman ay matapos umanong imbestigahayn ng mga kasama sa Matrix ang Chinese na si Michael Yang.


Nasa listahan ay sina Police Senior Superintendent Eduardo Acierto, Police Senior Superintendent Leonardo Suan, Dating PDEA Director III Ismael Fajardo Jr kung saan nasa ilalim nito sina Police Inspector Conrado Carandang, Police Inspector Lito Pirote, SPO4 Alejandro Gerardo Liwanag at Police Superintendent Lorenzo Cusay Bacia.

Sa ulat na dumating kay Pangulong Duterte ay sangkot ang mga nabanggit na opisyal ng PNP at PDAE sa pagrecycle ng iligal na droga at iba pang iligal na gawain.

Sinabi narin naman ni Philippine National Police Chief Director General Oscar Albayalde na sinibak na sa posisyon ang mga nabanggit na pulis at patuloy ang imbestigasyon sa mga ito.

Facebook Comments