Manila, Philippines – Isiniwalat ni Jake Zyrus sa kaniyang libro na Iam Jake ang mga pang-aabusong naranasan raw niya sa kaniyang sariling inang si Raquel Pempengco.
Ayon kay Jake, apat na magkakapatid sina Raquel pero ang ina lang daw niya ang laging nakakaaway ng kanyang lola na si Tess Relucio.
Sinasaktan raw ni lola Tess ang kanyang apat na anak kahit sa harap nila.
Dahil dito, umalis sa kanilang bahay si Raquel kasama siya at ang kapatid niyang si Carl.
Dito na raw napagtanto ni Jake na nagmana ang ina sa pagiging bayolente ng kanyang lola.
Hindi raw naging normal ang relasyon nilang mag-ina mula noong bata pa siya.
Nang nag-iba na raw ng sexual orientation si Jake, nahuli niya ang kanyang ina na may ginamit na ibang accounts sa social media para laitin siya.