ISINAPUBLIKO | Listahan ng mga rehistradong brand ng lambanog, inilabas

Manila, Philippines – Inilabas ng Food and Drug Administration (FDA) ang listahan ng rehistradong brand ng lambanog matapos ang sunud-sunod na pagkamatay ng ilang umiinom nito.

Ilan lamang sa dumaan at pumasa sa kalidad ng ahensya ay ang:

Philippine Firewater Lakan
Supremo Philippine Firewater
Firewater
Philippine Firewater
San Juan
Ram-Ciel Lambanog
San Juan Lambanog
San Juan Premium Lambanog


Kasabay nito, nagbabala ang FDA sa mga consumers na iwasan ang pagbili ng mga lambanog na hindi rehistrado sa kanilang ahensya dahil tiyak na hindi ito pumasa sa kanilang pamantayan.

Matatandaan na nakitaan ng mataas na antas ng methanol ang mga lambanog na naging sanhi ng pagkamatay ng ilang katao sa Laguna, Antipolo at Pampanga.

Nakipag-ugnayan na ang FDA sa Philippine National Police (PNP) para kumpiskahin ang mga hindi rehistradong lambanog.

Facebook Comments