ISINAPUBLIKO | Mga huling larawan at detalye ng pagpanaw ni dating Senator Edgardo Angara, inilabas ng tanggapan ng kanyang anak na si Senator Sonny Angara

Manila, Philippines – Inilabas ng tanggapan ni Senator Sonny Angara ang mga huling larawan ng kanyang ama na si dating Senator Edgardo Angara bago ito pumanaw nitong Linggo ng umaga.

Makikita sa mga larawan ang masayang si dating Senador Edong, habang nagmi-mirienda sa kanyang rest house sa Tagaytay kasama ang kanyang mga kaibigan sa ACCRA Law Firm nitong Sabado ng hapon.

Kabilang dito sina Senator Franklin Drilon at kanyang misis, sina Atty. Lazatin at Mrs. Regala, Atty. Geraldez at Atty & Mrs. De Guzman.


Inilibot pa ni dating Senator Edong ang kanyang mga bisita sa kanyang art house at natulog na sya bandang alas-7:45 ng gabi noong Sabado.

Nakagawian na daw ni Senator Edong na gumising bandang alas-tres ng madaling araw pero hindi ganito ang kanyang ginawa nitong Linggo dahil ayon sa kanyang caregiver ay gusto pa daw nitong matulog ng mahaba kaya pati ang inihandang almusal ay hindi na rin nito ginalaw.

Bandang alas 8:30am, ay narinig pa itong nag-cr at bandang alas-9:00 am ay narinig itong umubo ng kanyang security aid.

10:30 am, ay pinuntahan si dating Senator Ed Angara ng kanyang caregiver sa kwarto pero wala na itong malay kaya agad nilapatan ng CPR at isinugod sa Tagaytay Medical Center kung saan siya idineklarang binawian ng buhay 11:15am ng umaga sa edad na 83.

Facebook Comments