ISINAPUBLIKO | Mga pambato ng Resistance Coalition sa 2019 Senatorial Elections, pinangalanan na

Manila, Philippines – Mayroon nang napili ang oposisyon na magiging pambato nila sa 2019 Senatorial Elections na makakasama sa “Resistance Coalition”.

Ayon kay Liberal Party President Senador Francis Pangilinan, kasama nila rito sa resistance coalition ang Akbayan, Magdalo at Organisasyong Tindig Pilipinas.

Kabilang sa Senatorial Slate ng LP ang re-electionist na si Senador Bam Aquino, dating Quezon Representative Erin Tañada, Free Legal Assistance Group (FLAG) Chairman Chel Diokno, Magdalo Party-List Representative Gary Alejano, at dating Akbayan Party-List Representative Barry Gutierrez


Habang patuloy na kinukumbinsi ang aktres na si Agot Isidro.

Aniya, hindi matatawaran ang galing at paglingkod sa bayan ng nabanggit na mga personalidad.

Giit ni Pangilinan, haharapin ng anim at ng koalisyon ang mga polisiya ng pamahalaan at mga hakbang government na hindi nakakabuti sa bayan at taumbayan.

Sinabi pa ni Pangilinan na nais rin sana nilang maisama sa koalisyon si dating Interior Secretary Mar Roxas pero tumanggi na ito.

Bukas naman aniya ang kanilang partido para kay dating Chief Justice Lourdes Sereno kung nais nitong kumandidato sa pagkasenador.

Facebook Comments