ISINAPUBLIKO | Opposition congressmen, inilabas ang kopya ng kanilang mga SALN

Manila, Philippines – Inilabas ng mga miyembro ng opposition sa Kamara ang kopya ng kanilang Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN para sa taong 2017.

Batay sa SALN ni Bayan Muna Representative Carlos Isagani Zarate mayroon itong yaman na 1.6 million pesos habang si Magdalo Representative Gary Alejano ay may 16.2 million pesos.

Si Antonio Tinio ay may net worth na 4.2 million pesos at France Castro ay mayroon namang P2.2 million na pawang ACT teachers representatives.


Naglabas na rin ng kopya ng SALN si Ifugao Representative Teddy Baguilat kung saan mayroon siyang yaman na aabot sa 6.5 million pesos.

Si Gabriela Partylist Representative Emmie De Jesus naman ay may yaman na P1.6-m.

Facebook Comments