ISINAPUBLIKO | Palasyo, naglabas ng listahan ng mga bagong appointee ng Pangulo

Manila, Philippines – 38 mga prosekyutor sa bansa ang in-appoint ngayon ng Palasyo sa iba’t ibang City and Provincial Prosecutor’s Office, kung saan 24 sa mga ito ay lalaki habang 14 naman ay babae.

Kasabay nito, itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Epimaco Verano Densing III bilang Undersecretary ng Department of Interior and Local Government. Ang pwesto na binakante ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones.

In-appoint rin sa pwesto si Renato Lariego Ebarle bilang Undersecretary ng Department of Labor and Employment.


Bukod sakanila, appointed rin si dating Navy Vice Admiral Alexander Soria Lopez, bilang Undersecretary ng Department of Energy

Facebook Comments