ISINAPUBLIKO | Panuntunan ukol sa pagpapatayo ng STPs sa Boracay Island, inilabas ng DENR

Inilabas ng Department of Natural Resources o DENR ang bagong memorandum order na naglalaman ng mga panuntunan ukol sa pagpapatayo ng Sewerage Treatment Plans o STPs sa Boracay Island.

Nakasaad sa Memorandum Order No. 2018-04 na may petsang Setyembre 18 na nilagdaan ni Secretary Roy Cimatu na ang hotels, resorts, at iba pang katulad na establisimiyento ay maaaring kumonekta sa concessionaires, kagaya ng Boracay Island Water Company na inaatasan sa pagkolekta at pangangasiwa ng wastewater ng kanilang mga kliyente.

Kailangan din maglabas ang concessionaires ng certificates na magsasabi kung ang kliyente ay konektado sa kanilang sewer line o mayroon silang sariling STPs.


Ang certificates na ito ay magsisilbi ring requirement upang payagan ang mga establisimiyento na maipagpatuloy ang kanilang operasyon sa Isla.

Magbibigay din ang concessionaires ng datos ng water billed volume at volume ng wastewater na kanilang natatangap sa DENR na magagamit sa monitoring at planning ng ahensiya.

Facebook Comments