ISINAPUBLIKO | Phil. Postal Coporation, naglunsad ng hotline

Manila, Philippines – Inilunsad ng Philippine Postal Corporation ang kanilang hotline para sa inquiries at complaints ng kanilang mga customer.

Ayon kay Philpost Assistant Postmaster General for Marketing and Management Support Services Luis Carlos – ang kanilang customer helpdesk number ay (02) 288-76-78 na layong mabigyan ng maayos na serbisyo ang kanilang mga customer.

Sa pamamagitan aniya nito, mabibigyan ang mga customer ng tamang impormasyon sa kanilang in-avail na mail services nationwide.


Maaring tawagan ang philpost hotline para sa anumang katanungan tungkol sa produkto at serbisyo ng ahensya.

Facebook Comments