ISINAPUBLIKO | Resulta ng SHS voucher program applications, inilabas na ng DepEd

Manila, Philippines – Inilabas na ng Department of Education (DepEd) ang resulta ng Senior High School (SHS) voucher program application para sa mga mag-aaral na nasa labas ng formal school system.

Sa abiso ng DepEd, ang pumasa sa Alternative Learning System (ALS) Accreditation and Equivalency (A&E) test at ang Philippine Educational Placement Test (PEPT) na nag-apply para maka-avail ng voucher program ay maaring silipin ang resulta ng kanilang application sa website: ovap.deped.gov.ph

Inatasan ang mga aplikante na gamitin ang ‘manual results’ function para tingnan ang kanilang status.


Kung naaprubahan ang application, maari nang i-download ang Qualified Voucher Applicant (QVA) certificate.

Paalala ng DepEd, pinal na ang mga resulta at hindi na maari itong apelahin.

Ang SHS voucher program ay financial assistance program na layong tulungan ang mga nagtapos ng grade 10 na ituloy ang kanilang Senior High School Education sa Private Schools, State Universities and Colleges, at Local Universities and Colleges na nag-o-offer ng Senior High School.

Facebook Comments