ISINAPUBLIKO | Senate Committee on Labor and Employment Chairperson Joel Villanueva, inilabas ang committee report tungkol sa security of tenure and end of endo bill

Manila, Philippines – Inilabas na ni Senate Committee on Labor, Employment Chairperson Joel Villanueva ang committee report tungkol sa end of contractualization bill.

Ang senate bill no. 1826 o panukalang security of tenure and end of endo act of 2018 ay layuning amyendahan ang labor code of the Philippines.

Ayon kay Villanueva, principal author ng proposed measure, hindi magiging ‘anti-business’ ang panukala habang tinitiyak nito ang karapatan ng mga manggagawa.


Nakasaad sa panukala ang ilang labor policies:

– Ipagbabawal ang labor-only contracting at papatawan ng parusa ang mga lalabag
– Lilimitahan ang job contracting sa licensed at specialized services
– Ang mga manggagawa ay ika-classify bilang regular at probationary employee’s habang tatratuhin ang project at seasonal employees bilang regular na manggagawa
– Pagbibigay ng security of tenure
– Palilinawin nito ang pamantayan sa probationary employment
– Pagbibigay ng ‘transition support program’ para sa mga empleyadong lilipat ng trabaho

Facebook Comments