Manila, Philippines – Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang tentative list ng mga kandidato para sa may 2019 national at local elections.
Makikita sa tentative list ang nasa 185 party-list groups kung saan 124 dito ay duly-registered groups, 33 ay may nakabinbing motion for reconsideration, lima na may pending petitions for registration, at 23 iba pa.
Hinimok din ng poll body ang mga aspirants na i-check ng mabuti ang kanilang pangalan na lalabas sa official ballot.
Itinakda ng COMELEC ang November 29 bilang huling araw ng paghahain ng request for correction para sa mga pangalan.
Inaasahang ilalabas ng election body ang pinal na listahan sa susunod na buwan.
Facebook Comments