ISINARA | Bar sa Makati na nahulihan ng mga ilegal na droga ikinandado ng NCRPO

165

Makati City – Pinangunahan ni National Capital Region Police Office Chief Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar ang pagsasara sa isang high end bar sa Makati.

Kanina, sinalakay ng mga operatiba ng Makati City Police Station Drug Enforcement Unit ang Times Bar sa Makati Avenue matapos magpositibo ang kanilang surveillance.

Nakuha sa isinagawang buy-bust operation ang:

19 sachets of cocaine
15 pcs ecstasy capsule
4 pcs ecstasy tablet
1 sachet push high grade marijuana
1 pc cal 38 revolver
5 pcs cal 38 live ammo
22,500 pesos buy-bust money
Assorted drug paraphernalia
1 CCTV DVR

Subject din ng search warrant ang 2 vaults kung saan pinaniniwalaang doon nakatago ang mga cocaine.

Sa ngayon inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang street value ng mga nakumpiskang ipinagbabawal na gamot dahil patuloy parin ang imbentaryo.

Facebook Comments