Manila, Philippines – Tuluyan ng sinuspendi ang isinasagawang checkpoint at umiiral ng Commission on Election gun ban sa buong bansa.
Ito ay matapos na matanggap na ng Philippine National Police ang official order mula sa Commission on Election na nagsasabing suspendihin ang lahat ng aktibidad na may kinalaman sa kinanselang Barangay at Sanggunian Kabataan Election.
Pero ayon kay Supt. Vimellee Madrid, PNP Deputy spokesperson, na matapos na i-anunsyo ng Malacanang na naisabatas na ang postponement ng Barangay SK election ay itinigil na agad ang umiiral ng gunban at checkpoint operation sa buong bansa.
Pero nagpapatuloy aniya ang anti-criminality checkpoint.
Facebook Comments