Isinasagawang checkpoint sa buong bansa at umiiral na COMELEC gunban, ihihinto na ng PNP

Manila, Philippines – Otomatikong mahihinto ang isinasagawang Checkpoint at umiiral ng Commission on election gunban sa buong bansa matapos na pormal nang maisabatas ang postponement ng Sanggunian Kabataan at Barangay election.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos hinihintay na lamang ngayon ng Phil national police bilang deputized agency ng COMELEC ang utos o memorandum na magmumula sa COMELEC upang tuluyan ng maihinto ang Checkpoint at COMELEC gunban sa buong bansa.

Pero tiniyak ni Carlos na magpapatuloy ang anti criminality checkpoint ng PNP sa buong bansa.


Korte naman daw ang magdedesisyon sa kaso ng 22 indibidwal na una naaresto dahil sa paglabag sa COMELEC Gunban.

Facebook Comments