Isinasagawang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya, tagumpay na maituturing

Itinuturing na tagumpay ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., ang isinasagawa nilang internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Ayon kay PNP Chief, kahit kasi iyong mga posibleng dawit na 3rd level officials ng PNP ay nagsumite ng kanilang courtesy resignations.

Nangangahulugan lamang aniya ito ng iisang adhikain ng mga opisyal ng PNP na linisin ang kanilang organisasyon mula sa ilegal na droga.


Nabatid na hanggang ngayong araw na lamang ang pagsusumite ng courtesy resignation para sa mga koronel at heneral ng PNP kung saan pagkatapos ng January 31 na deadline ay inaasahang gugulong na ang imbestigasyon ng binuong 5-man committee.

Sa ngayon, 941 o katumbas ng 98.74% mula sa kabuuang 953 mga koronel at heneral ang nakapaghain na ng kanilang courtesy resignation at 10 pa sa mga ito ang bigo pa ring makapaghain ng kanilang courtesy resignation sa kadahilanan paretiro na ang mga ito susunod na araw at buwan.

Giit ni Azurin, bukas, Pebrero 1, hihingan nila ng paliwanag ang mga ito saka sakaling hindi pa rin sila magsusumite ng courtesy resignation ngayong araw.

Facebook Comments