ISINASAGAWANG KALSADA AT DRAINAGE SA ARZADON COMPOUND SA DAGUPAN CITY, NAGPAPATULOY

Nagpapatuloy pa rin ang mga isinasagawang kalsada sa Dagupan City kabilang na ang bahagi ng Arzadon compound sa Barangay Mayombo kung saan tatlumpong taon na ang problema sa baha.

Sinuri ng tanggapan ng Department of Public Works and Highways R1 at ng lokal na gobyerno ang kasalukuyang konstruksyon ng daanan at drainage system sa nasabing bahagi para siguruhin ang implementasyon ng proyekto.

Inihayag sa facebook post ni Dagupan City Mayor Belen Fernandez na maglalaan pa ng karagdagang pondo para sa binabahang kalsada upang tuldukan na ang problema ng mga residente.

Gumagawa na rin umano ng paraan ang City Engineering Office upang maibsan kahit papaano ang pagbaha sa lugar.

Tiniyak rin ng mga opisyal ng barangay na malinis ang creek kung saan dadaloy ang tubig-ulan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments