ISINASAGAWANG PHASE 1 NG DUMPSITE SA DAGUPAN CITY, BINISITA

Binisita at minonitor ang kasalukuyang isinasagawang phase ng dumpsite sa Dagupan City.

Binisita ni Mayor Belen Fernandez kasama ang City Engineering Office ang nasabing lugar upang makita ang progreso ng pagsasagawa nito.

Isa ang dumpsite sa mahigpit na tinututukan sa lungsod upang tuluyan na masolusyunan ang matagal nang problema sa basura.

Kasama rin ito sa pondong inaprubahan ng mayorya para sa mga nakalinyang proyekto at kagamitan na gagamitin sa pagtanggal ng mga basura sa dumpsite.

Samantala, bukod dito ay kasalukuyan na rin ang konstruksyon ng skateboard park sa bahagi ng Tondaligan blue beach na siyang inaasahang makatutulong sa pagpapaunlad ng turismo sa lungsod. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments