ISINASAGAWANG ROAD REBLOCKING AT ROAD CONCRETING SA LUNGSOD NG CAUAYAN, PUSPUSAN

Cauayan City – Puspusan ang ginagawang pagsasaayos sa mga kalsada sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ng Cauayan.

Ayon sa ulat ni Cauayan City Mayor Hon. Caesar “Jaycee” Dy Jr., 22 barangay sa lungsod ng Cauayan na kinabibilangan ng mga barangay na sakop ng Tanap, Tabacal, at Forest Region ang kasalukuyang sumasailalim sa road concreting at road reblockings.

Bukod pa rito, karagdagang 15 barangay pa ang kasalukuyan na rin ang isinasagawang reblockings.


Puspusan din ang konstruksyon ng mga Bypass roads at Diversion Roads sa bahagi ng Brgy. Labinab, Catalina at Brgy. San Luis, Brgy. Carabatan Chica, Carabatan Grande, at Carabatan Punta, Brgy. Andarayan, Mabantad, at Nagcampegan, Brgy. Gagabutan, Duminit, at Baringin Norte, Brgy. Villa Concepcion, Maligaya at Disimuray, at Brgy. Manaoag, Dianao, at Brgy. De Vera.

Layunin ng mga nabanggit na road projects na bukod sa maging maaayos ang mga kalsada ay mas mapadali pa ang transportasyon para sa mga residente at sa lahat ng uri ng mga sasakyan.

Facebook Comments