Manila, Philippines – Hindi pa mailalabas ngayong buwan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pinal na desisyon hinggil sa suspension at closure orders na ipinataw ni dating Environment Secretary Gina Lopez sa 26 na minahan.
Ayon kay DENR – Climate Change Services and Mining Concerns Undersecretary Analiza The, sa susunod na buwan na lamang nila ito ilalabas kasabay ng kanselasyon ng 75 Mineral Production Sharing Agreement (MPSA) na siya ring ipinag-utos ni Lopez.
Paliwanag pa ni Teh, isinasapinal pa kasi ang ilang detalye.
Sinabi naman ni Denr Spokesperson, Underse Jonas Leones – ang desisyon sa 13 mula sa 26 na minahan lamang ang kanilang mailalabas.
Matatandaang umapela Sa Office of the President ang 13 minahan habang ang natitira ay nagsumite ng apela sa Office of The DENR Secretary.
Una nang sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na anuman ang magiging desisyon ng ahensya, mabaligtad man ang naunang utos ni Lopez o hindi magiging final at executory ito.