MANILA – Nainis si Bangladesh Ambassador John Gomes nang malaman na matagal pa maibabalik sa kanila ang mga nakaw na pera isinoli ng negosyanteng si Kim Wong.Una nang isinoli ni Wong sa Bangko Sentral ng Pilipinas ang higit 5-milyong dolyar mula sa 81-million dollars na ninakaw sa Bangladesh Bank.Ayon kay Anti-Money Laundering Council (AMLC) Executive Director Julia Bacay-Abad, hindi basta-basta maibabalik ang pera dahil sinabi ni Wong sa acknowledgement receipt na for safe keeping lang ang pera.Dahil dito, kinwestyon ni Bangladesh Ambassador John Gomes ang pagpapapirma sa kanila ng mga dokumento ng pagtanggap sa perang isinauli kung saan kailangan pa rin pa lang magkaroon ng civil forfeiture case para pormal na mai-turn over sa kanila ang pera.Sa pagdinig kahapon, idinawit ni dating RCBC Jupiter Branch Manager Maia Santos-Deguito ang presidente ng RCBC na si Lorenzo Tan.Depensa naman ng legal counsel ng RCBC na si Attorney Maria Estavillo, wala namang mapakitang ebidensya si Deguito para mapatunayan na sangkot sa money laundering si Tan.Samantala, nangako si Wong na magboboluntaryong magsasauli ng P450 million sa loob ng 15 hanggang 30 araw.
Isinauling Pera Ng Negosyanteng Si Kim Wong Sa Bangko Sentral Ng Pilipinas (Bsp), Hindi Pa Makukuha Ng Bangladesh Govern
Facebook Comments