Naging mapayapa ang isinagawang plebesito sa Palawan.
Ito ang security assesment ng Philippine National Police (PNP) sa kabila na nakaranas ng aberya sa pag-deliver ng election materials sa mga polling center dahil sa transportasyon, masamang panahon at mabagal na signal reception.
Ayon kay PNP Officer-in-Charge Lt General Guillermo Eleazar, pinagana ang PNP-COMELEC-AFP Joint Task Force kaya nakatulon ito para maging payapa ang plebesito.
Aniya, kabuuang 920 na police personnel ang nai-deploy sa buong Palawan at nagbantay sa mga registered voter at election officials sa 487 polling centers sa 367 Barangay ng 23 munisipyo sa buong lalawigan.
Napigilan aniya nila ang mga planong pangggulo ng Local Communist Terrorist Groups sa ginawang plebesito.
Dahil naman sa COVID -19 pandemic, naging malaking challenge sa PNP ang pagpapatupad ng physical distancing sa mga voting areas pero dahil sa tulong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard ay naging maayos ang pagboto ng mga Palaweño.