Boracay – Isinisi sa hindi maayos na drainage system ng mga residente ng isla ng Boracay ang polusyon sa Bulabog Beach.
Nakadugtong kasi sa dagat ang drainage pipe na dinadaluyan ng maitim na tubig na galing kanal.
Sinabi naman ni Department of Environment and Natural Resources region 6 director Jim Sampulna, nakita nila na may paglabag ang higit 30 pang establisimyento sa isla.
Maliban pa rito aniya ang 51 establisyimentong inisyuhan ng notice of violations.
Bukod naman sa Boracay, pinatitignan na rin ng DENR ang sitwasyon sa iba’t ibang resort town tulad ng Siargao at Coron, Palawan.
Facebook Comments