Manila, Philippines – Isinisi sa sistema sa bangko ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 1.8 million pesos na cash grants ng Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na nasilip ng Commission on Audit (COA) na hindi nagalaw.
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, ang naturang halaga ay mula mga balanse sa pera na mababa na sa P100 na hindi nailabas sa ATM at naipon kung kaya at lumaki.
Aniya, nasa 124,845 accounts ang may ganitong kaso ang naitala ng ahensya noong December 2017 sa Landbank of the Philippines.
Pero, ito aniya ay kumakatawan lamang sa 3.11% sa kabuuang 2.67 million beneficiaries na nasilip sa audit findings ng COA.
Aniya, 124,845 accounts ang may ganitong kaso noong December 2017 sa Landbank of the Philippines.
Maliban dito, may mga kaso na may nasirang ATM cards, mga benepisaryo na lumipat ng tirahan nang walang pabatid sa mga bayan na may linkage sa LBP.
May mga benepisaryo din na nagtrabaho na sa labas ng bansa o kaya naman ay namatay na naging dahilan ng naipon na cash grants.
Dahil dito, idinagdag ni Orogo na malisyoso ang mga pahayag na hindi kabilang sa lubhang mahihirap ang mga hindi naglalabas ng perang laan sa kanila ang mga 4Ps beneficiaries.