ISINISI | Pagkakapatay sa pari sa Nueva Ecija, isinisisi sa Pangulo

Nueva Ecija – Isinisisi ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao kay Pangulong Duterte ang pagkakapatay kay Fr. Richmond Nilo ng Diocese ng Cabanatuan sa Nueva Ecija.

Si Father Nilo ang ikatlong paring pinaslang sa ilalim ng Duterte administration kasama sina Fr. Mark Ventura ng Cagayan Valley at Fr. Marcelito Paez ng Nueva Ecija.

Ayon kay Casilao, tatlong araw bago mapaslang si Fr. Nilo ay tuluy-tuloy ang verbal attacks ng Pangulo sa Simbahang Katolika lalo na noong June 7 sa Cebu City.


Nakakaalarma aniya ang mga pahayag ng Presidente laban sa mga taga simbahan dahil sa nagkakaroon ito ng epekto para gawan ng karumal-dumal at patayin ang mga pari.

Dahil sa mga sinasabi ng Pangulo laban sa mga ‘church people’ ay nabibigyan tuloy ng lisensya ang mga masasamang loob sa pagpatay sa mga taga-simbahan.

Hindi na nagtataka si Casilao dahil noong pinatay si Fr. Ventura ng Cagayan Valley, sa halip na tugunan at solusyunan ang mga pag-atake sa mga pari, ipinahiya pa ng Pangulo ang paring patay na at walang kalaban-laban.

Facebook Comments