ISINIWALAT | 2 kongresista, nakakuha ng P1.5-B halaga ng pork barrel

Manila, Philippines – Ibinulgar ni Senator Panfilo Ping Lacson na may dalawang kongresista ang nabigyan ng humigit-kumulang na tig-1.5 billion pesos na halaga ng pork barrel sa panukalang 2019 National budget.

Ayon kay Lacson, sa plenary deliberations ng Senado ay handa siyang pangalanan kung sino ang mabanggit na 2 mambabatas.

Bukod dito ay ibinunyag din ni Lacson na mayroon ding tig-60 million pesos na halaga ng PET projects ang 292 na miyembro ng Mababang Kapulungan.


Diin ni Lacson, ito ang dahilan kaya hindi nilang maaring madaliin at kailangan nilang busisiin na mabuti ang panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ngayong araw ay simula na ang umaga at hapon na budget deliberasyon ng Senado sa mahigit 3.8 trillion pesos na proposed National budget na kahapon ay inihian na sa plenaryo ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda.

Ngayong umaga ay nakatakdang sumalang sa deliberasyon ang panukalang pondo para sa Department of Finance (DOF), mga government corporations, National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM), NDRRMC calamity fund at Department of Foreign Affairs (DFA).

Facebook Comments