Manila, Philippines – Umaasa si Senador Antonio Trillanes IV na pagbibigyan ng senate blue ribbon committee ang hiling niyang maimbestigahan ang conflict of interest sa panig ni Solicitor General Jose Calida.
Ito ay kaugnay ng mga pinakyaw na kontrata ng security agency ni Calida sa gobyerno.
Sa kaniyang privilege speech, isiniwalat ni Trillanes sa pamamagitan ng power point presentation na umaabot sa P358.33 milyon ang mga nakuhang kontrata ng Vigilant Investigative and Security Agency Inc. (VISAI) na pag-aari ng pamilya ni Calida.
Partikular na aniya na may kontrata ang VISAI ay sa Department of Justice (DOJ), PAGCOR, National Electrification Administration (NEA), National Anti-Poverty Commission (NAPC), NEDA, House of Representative at National Park Development Committee (NPDC).