Isiniwalat ni VP Sara na pagsuporta ng liderato ng Kamara sa NPA, hindi totoo

Courtesy: House of Representatives

Mariing itinanggi ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel ang isiniwalat ni Vice President Sara Duterte na ang pagtanggal ng confidential funds sa budget ng Office of the Vice President (OVP) ay umaayon sa kagustuhan ng Makabayan bloc at bilang pagsuporta rin ng liderato ng Kamara sa New People’s Army (NPA).

Sabi ni Manuel, pinapairal na naman ni VP Duterte ang taktika nito na mala-pusit kung saan inililihis nito ang atensyon ng publiko sa mga isyu laban sa kaniya.

Punto pa ni Manuel, saang banda ang suporta ng liderato ng Kamara sa NPA gayong ang sinusuportahan nito ay ang counter-insurgency legacies ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Dagdag pa ni Manuel, kasama rin sa sinusuportahan ng liderato ng Kamara ay ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict o NTF-ELCAC gayundin ang bilyong pisong confidential and intelligence funds ng Office of the President na siyang umaakto bilang NTF-ELCAC secretariat.

Binanggit ni Manuel na kabilang din sa sinusuportahan ng liderato ng Kamara ang intel funds ng Philipine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na ginagamit para puntiryahin at dukutin ang mga kontra sa gobyerno.

Facebook Comments