ISINIWALAT | P100-M, nawawala sa gobyerno dahil sa anomalya sa PCSO – Sandra Cam

Manila, Philippines – Nasa isandaang-milyong piso ang nawawala umano sa gobyerno dahil sa mga anomalya sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Ito ang ibinunyag ni PCSO Board Member Sandra Cam sa nagpapatuloy na pagdinig ng Senado kaugnay sa mga anomalya sa ahensya.

Isiniwalat din ni Cam na may isang babaeng consultant ang naghahari sa lahat ng mga procurements sa PCSO na may halagang mas mababa sa isang-milyong piso.


Samantala, kinumpirma naman ni Pangulong Duterte na ipinatawag niya sa Davao City ang kilalang “gambling lord” na si Atong Ang.

Inutusan umano niya si Atong Ang na pumunta sa PCSO para ihinto ang mga iligal doon at tulungan ang gobyerno.

Nabatid na sumipot din kaninang umaga sa pagdinig ng Senate Games and Amusement Committee si Atong Ang.

Facebook Comments