Manila, Philippines – Isiniwalat ni Budget Secretary Benjamin Diokno na ang Road Users Tax ang ugat kaya inaaway siya ng mga Kongresista partikular si House Majority Leader Nonoy Andaya at House Minority Leader Dalino Suarez.
Sa Economic Briefing sa Malacañang ay sinabi ni Diokno na maliban sa usapin ng road user tax at pagbuwag sa road board ay ginawa din aniya siyang panakip butas sa nakita ni Senador Panfilo Lacson na budget insertion sa 2019 General Appropriations bill.
Inihayag din ni Diokno na siya mismo ang nagrekomenda kay Pangulong Duterte na buwagin nalang ang road board na nangangaiswa sa road users tax dahil pinagsasamantalahan lamang ito ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Naniniwala din si Diokno na may kinalaman sa halalan sa susunod na taon kaya ayaw pakawalan ng mga mambabatas ang Road Users Tax na nagkakahalaga ng 45 billion pesos.