Manila, Philippines – Aabot na sa 95 ang mga petisyon na isinulong ng Commission on Elections (COMELEC) laban sa mga posibleng “nuisance” o panggulong kandidato para sa 2019 mid-term elections.
Ang kaso ay inihain “motu proprio” o boluntaryong isinampa sa Comelec Law Department.
Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, aabot naman sa 78 ang mga petisyon na inihain ng mga pribadong indibidwal na humihiling na patawan ng disqualification o kanselahin ang certificate of candidacy ng ilang nagnanais na kumandidato.
Magsisimula ang proseso ng pagdinig sa oras na mai-raffle na ang kaso.
Facebook Comments