Manila, Philippines – Inilunsad ng gobyerno ang ‘Jobs, Jobs, Jobs’ online portal para isulong ang mga trabaho sa ilalim ng Build, Build, Build Program ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Mark Villar, dito makikita ang mga oportunidad sa trabaho na ini-aalok ng mga concessionaire at construction companies na nakatuon ngayon sa mga proyektong pang imprastraktura.
Layunin aniya nitong matugunan ang pangangailangan ng manpower sa ilalim ng program ng gobyerno.
Hinikayat din nila ang mga gustong mangibang bansa na dito na lamang magtrabaho.
Aabot sa higit 11,000 job openings ang maaring aplayan ng mga manggagawa.
Facebook Comments