ISINULONG | Office of Global Media Affairs, itinatag ng PCOO

Manila, Philippines – Bumuo ng Office of Global Media Affairs ang Presidential Communication Operation Office o PCOO.

Ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar, layon nitong sumagot sa mga tanong ng foreign correspondent hinggil sa ilang isyu sa Pilipinas.

Aniya, ang hakbang na ito ay bahagi ng planong isailalim ang PCOO sa Office of the Press Secretary o OPS.


Sabi pa ni Andanar, posible rin silang maglagay ng mga press atache division na layunin na tulungan ang gobyerno na mapaganda pa ang imahe nito sa international community at buhayin ang tiwala ng mga mamumuhunan.

Facebook Comments