Manila, Philippines – Hinimok ng Department of Health (DOH) ang mga pamilya na i-donate ang organ ng kanilang namayapang mahal sa buhay para mailigtas ang buhay ng mga nangangailangan ng organ transplantation.
Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III – sa pamamagitan ng organ donation, maililigtas at mapapabuti ang kalidad ng buhay ng walo o higit pang indibidwal.
Aniya, ang mga organ ng tao na maaring i-transplant ay bato, atay, baga, puso, intestines, pancreas, at human tissues gaya ng mata, buto, balat, at blood vessels.
Hindi naman sinusuportahan ng ahensya ang incentivized organ donations dahil magdudulot ito ng peligro sa donor at sa reciepient.
Facebook Comments