ISINULONG | Panukalang maibigay nang buo sa mga waiter at cook ang service charge, isinusulong sa Kamara

Manila, Philippines – Isinusulong ngayon sa Kamara ang panukalang gawin nang 100 porsiyento ang matatanggap na service charge ng mga waiter, cook at iba pang empleyado mula sa kanilang mga customer.

Sa ilalim ng house bill 6650, layon nitong ameyandahan ang article 96 ng labor code of the Philippines.

Sa kasalukuyang probisyon, 85 percent ng service charge ang dapat mapunta sa mga waiter at cook habang 15 percent sa management.


Ayon kay CIBAC Party-List Rep. Sherwin tugna – sa halip na 85-15 percent sharing, dapat ay buo nang paghahatian ng mga empleyado ang mga naiipon nilang service charge.

Ang panukalang ito ay bilang suporta na rin aniya ng partido sa mga manggagawa.

Nauna nang nakalusot sa senado ang bersyon nila ng panukala noong Disyembre ng nakaraang taon.

Kapag naaprubahan na sa kamara, isasalang na ito sa bicameral conference committee bago palalagdaan kay Pangulong Duterte para maging ganap na batas.

Facebook Comments