ISINULONG | Permanent residency para sa religious workers, missionaries tulad ni Sister Fox, isinulong sa senado

Manila, Philippines – Isinulong ni Senator Bam Aquino na mabigyan ng permanent residency ang mga dayuhang religious workers at mga misyonaryo katulad ng Australian nun na si Sister Patricia Fox.

Nakapaloob ito sa senate bill no. 702 o ang Permanent Residency to Qualified Religious Workers Act na inihain ni Senator Aquino.

Target ng panukala ang pag-amyenda sa Commonwealth Act No. 613, na kilala bilang Philippine Immigration Act of 1940.


Kapag naisabatas ang panukala ni Aquino ay hindi na mahirapan pa ang mga dayuhang religious workers sa pagkuha ng requirements para manatili sa bansa at gawin ang kanilang adbokasiya na napakikinabangan ng mga komunidad.

Ang hakbang ni Aquino ay kasunod ng kautusan ng Bureau of Immigration (BI) na i-deport si Sister Fox kasabay ng pagbawi sa missionary visa nito matapos na lumahok sa umano mga aktibidad na pampulitika sa bansa.

Facebook Comments