ISINUMITE | Kopya ng complaint na inihain sa Ombudsman laban kay SC Administrator Midas Marquez, isinumite sa JBC ng private complainant

Manila, Philippines – Nagsumite sa Judicial and Bar Council si gender equality advocate Rizza Laurea ng kopya ng kanyang reklamo sa ombudsman laban kay Supreme Court Administrator Jose Midas Marquez.

kaugnay ito ng sinasabing World Bank report sa aniyay maling paggamit ng $21.9 Million na halaga ng loan na natanggap ng Supreme Court noong 2003 para sa implementasyon ng Judicial Reform Support Project (JRSP).

Nilinaw naman ni Laurea na walang kinalaman sa kanyang paglantad ang kampo ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.


Hindi ito ang unang paglutang sa media ni Laurea laban kay Marquez dahil nauna na rin itong nagsumite ng petisyon sa JBC na kumukwestyon sa nominasyon nito bilang Associate Justice ng SC.

Nagsumite rin si Laurea kanina ng liham sa JBC na humihirit naman na silipin nito ang SALN ni Supreme Court Associate Justice Samuel Martirez dahil aniya sa hindi pagdedeklara ng stall business nito sa Baguio City.

Si Justice Martirez ay sinasabing kabilang sa mga malakas na contender bilang susunod na Ombudsman.

Facebook Comments