ISINUMITE | Listahan ng mga opisyal ng AFP, isinumite na sa Commission on Appointments para sa kumpirmasyon

Manila, Philippines – Isinumite ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Commission on Appointments (CA) ang listahan ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ay para sa kumpirmasyon ng kanilang ad interim appointment.

Kabilang na rito si AFP Chief Carlito Galvez Jr. para sa ranggong general habang si Arnel Dela Vega para naman sa ranggong lieutenant general.


Isinumite rin sa CA ang pangalan ni Greg Almerol para sa Brigadier General.

Sa inilabas na anunsyo ng CA, maari nang magsumite ang sinuman ng kanilang oposisyon o pagtutol sa nominasyon ng mga naturang opisyal.

Facebook Comments