Manila, Philippines – Isinumite na ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte ang shortlist para sa nakatakdang pumalit sa magreretirong si Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Hulyo 26.
Sa dalawang pahinang sulat na pirmado nina acting Chief Justice Antonio Carpio na acting ex-officio chairperson din ng JBC; Justice Secretary Menardo Guevarra, ex officio member at Senator Richard Gordon, ex-officio member, tatlo ang kanilang inindorso na pwedeng pagpipilian ng Pangulong Duterte na siyang may kapangyarihan na magluklok ng bagong Ombudsman.
Kabilang dito sina Supreme Court (SC) Associate Justice Samule Martires na nakakuha ng anim na boto, Ombudsman Special Prosecutor Edilberto Sandoval na mayroong limang boto at Atty. Felito Ramirez na may apat na boto.
Hindi naman nakasama sa listhana si Labor Secretary Silvestre Bello na na-disqualify dahil umano sa mga nakabinbing kaso nito.