Manila, Philippines – Isinumite na kay Pangulong Rodrigo Duterte ng partido demokratikong Pilipino – Lakas ng Bayan o PDP Laban ang listahan ng posibleng maging pambato nito sa 2019 Senatorial elections.
24 na personalidad ang nasa listahan na kinabibilangan ng 11 miyembro ng partido, 8 ‘friends of the party’ at 5 re-eleksyunista.
Nakasaad ito sa liham na pirmado ni Senator Koko Pimentel na siyang Pangulo din ng partido.
Maliban kay Pimentel, ay kasama din sa mga miyembro ng partido na nasa listahan ay sina Sec. Christopher Bong Go, dating Sec. Francis Tolentino, ka Freddie Aguilar, mamamahayag na si Jiggy Manicad, at sina Congressmen Karlo Alexei Nograles, Zajid Dong Mangudadatu, Geraldine Roman, Monsour Del Rosario, Albee Benitez at Dax Cua.
Nangunguna naman sa mga personalidad na itinuturing na ‘friends of party’ ay si Davao City Mayor Sarah Duterte, dating PNP Chief Gen. Ronald Bato dela Rosa, aktor na si Robin Padilla, Sec. Harry Roque, dating Senador Lito Lapid, dating Sec. Raffy Alunan, at Mon Tulfo.
Nasa listahan din sina reelectionist Senators Cynthia Villar, Sonny Angara, JV Ejercito, Grace Poe at Nancy Binay.
Nakasaad sa liham ang pag-asa na magkakaroon ng oras si Pangulong Duterte bilang Chairman ng partido na talakayin ang paghahanda para sa darating na eleksyon.