Manila, Philippines – Inihain ni Senate President Tito Sotto III ang Senate bill 2026 na nagsusulong na ibaba sa 13 anyos o higit sa 12- anyos ang edad ng mga batang maaring ng maharap sa kasong kriminal.
Target ng panukala ni Sotto na amyendahan ang kasalukuyang juvenile justice and welfare act of 2006 na nagliligtas sa mga 15- anyos pababa mula sa criminal liability.
Ayon kay Sotto, solusyon ang kanyang panukala sa paggamit ng mga sindikato sa mga bata para gumawa ng krimen.
Tinukoy din ni Sotto ang mga viral na video ngayon ng mga kabataan na gumagawa ng krimen pero walang pananagutan.
Sa panukala ni Sotto ay ilalagay naman sa isang youth care facility tulad ng bahay pag-asa ang mga batang edad 9 hanggang 12- anyos na makakagawa ng krimen.
Facebook Comments