ISINUSULONG | Compliance audit, balak gawin ng DILG sa halos 2,000 establishments sa Boracay

Manila, Philippines – Isinusulong ni Department of Interior and Local Government (DILG) Assistant Secretary Epimaco Densing ang pagsasagawa ng compliance audit sa 1,800 establisyimento sa Boracay island.

Pero aminado si Densing na wala pa silang nade-demolish na resort at hotel na walang Environmental Compliance Certificate (ECC) at mayor’s permit.

Ayon kay Densing, gagawa ng checklist ang mga ahensya ng gobyerno para malaman na sumusunod ang mga establisyimento rito.


Titingnan din ng mga kinauukulang ahensya ang sewerage plants ng mga ito.

Magugunitang iginigiit ng mga negosyante at mga manggagawa sa isla na aabot sa 56 billion pesos ang kanilang ikalulugi habang nasa 36,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho.

Facebook Comments