Manila, Philippines – Isinusulong sa Kamara ang panukalang batas na pag-isahin ang Land Transportation Office at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Batay sa house bill no. 6776 na iniakda ni House Speaker Pantaleon Alvarez at walo pang kongresista, pagsasamahin ang LTO at LTFRB sa isang Land Transportation Authority na mangangasiwa sa land transportation sa bansa.
Magkakaroon ito ng isang board na may chairman, apat na miyembro at director general na magsisilbing chief operating officer.
Ibabalik din ng panukalang ito sa Kongreso ang kapangyarihang magbigay ng prangkisa sa mga pampublikong sasakyan.
Maghihigpit rin ng requirements sa mga aplikante tulad ng sapat na kapital, limitado ang hatian kung may kasosyong dayuhan, sapat na kakayahan, karanasan, kagamitan sa pagpapatakbo ng pampublikong sasakyan at garahe o terminal.
Pati mga transportation network company gaya ng Grab at Uber kailangan din ng prangkisa mula Kongreso.
Habang pinag-iisipan pa kung pati tricyle ay dapat sa Kongreso na rin kumuha ng prangkisa.