Isinusulong na 5-yr extension ng martial law, magtataboy sa mga investors

Manila, Philippines – Walang nakikitang basehan si Committee on Economic Affairs Chairman Senator Win Gatchalian sa isinusulong ni House Speaker Pantaleon Alvarez na limang taong pagpapalawig sa martial law na umiiral ngayon sa buong Mindanao.

Giit ni Gatchalian, ang labis na extension ng batas militar sa Mindanao ay magtataboy lang sa mga potential na mamumuhunan sa bansa.

Maghahatid aniya ng hindi magandang signal sa business community ang extension ng martial law at tiyak hindi na sila maglalagak ng puhunan sa parteng Mindanao.


Diin ni Gatchalian, ang dapat pagsikapan ngayon ay ang maibalik ang normal na sitwasyon sa mindanao lalo na sa Marawi City kung saan naghahasik ng karahasan ang Maute terror group.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments