Isinusulong na mandatory military service, suportado ng PNP

Nagpahayag ng suporta ang Philippine National Police (PNP) sa isinusulong mandatory military service sa mga mamamayan.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Roderick Augustus Alba, maaaring hindi sapat ang National Service Training Program (NSTP) at Reserve Officer Training Course (ROTC) para makumpleto ang kasanayan na ibinigay ng aktuwal na serbisyong militar.

Aniya, kapag may malakas na Reserve Force ang militar na maaring imobilisa sa panahon ng emergency, mas makakatutok ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panlabas na depensa.


At maging ang PNP ay makakatutok din sa panloob na seguridad, pagpapatupad ng batas, at pampublikong seguridad.

Dagdag ng heneral, kapag ang karamihan ng mga mamayan ay may sapat na kasanayan sa pagligtas ng buhay, pagmamahal sa bansa at disiplina, mas epektibong makakatugon ang bansa sa mga “natural emergencies” na bahagi na ng buhay sa Pilipinas.

Facebook Comments