Isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon, malabong umusad na sa Senado

Posibleng hindi na aksyunan ng Senado ang Resolution of Both Houses No. 6 o ang isinusulong na pag-amyenda sa economic provisions ng Konstitusyon.

Ayon kay Senate Majority Leader Joel Villanueva, maraming senador ang hindi na interesadong itulak ang economic charter change (CHA-CHA) matapos malaman na ang Kamara ang nasa likod ng pagsusulong ng People’s Initiative.

Aniya pa, nagalit at nawalan ng gana ang mga senador na ipursige ang CHA-CHA sa Senado dahil napag-alaman ang pakay na tanggalan ng poder ang Senado sa pag-amyenda ng saligang batas kapalit ng mga panunuhol na natuklasan sa ilang lugar sa Mindanao.


Sa pagkakaintindi naman ni Senate Minority Leader Koko Pimentel, sa naganap na pulong ng mga senador ay desisyon ng mayorya na suspendihin ang pagtalakay sa resolusyon.

Matatandaang kahapon ay tumindig at nagkaisa ang 24 na senador sa inisyu na manifesto na nagsasaad ng mariin nilang pagtutol at pagkondena sa People’s Initiative.

Facebook Comments