Manila, Philippines – Hindi na ikinagulat ni Senate President Tito Sotto III ang isinusulong ni Foreign Affairs Secretary Teddy Locsin na pagkalas ng Pilipinas sa United Nations Human Rights Council o UNHRC.
Ayon kay Sotto, ganito din ang ginawa ng Estados Unidos sa dahilang mapagkunwari at puro pansarili lang umano ang UNHRC bukod sa kinukutya din nito ang karapatang pantao.
Dagdag pa ni Sotto, kapag kumalas tayo sa UNHRC ay makakatipid tayo ng 445 million pesos na mandatory contribution sa grupo kada taon.
Pinuna din ni Sotto na kahit hindi nakakuha ng boto ng mayorya ay pinaboran pa rin ng UNHRC ang resolusyon ng Iceland na nagpapaimbestiga sa mga kaso ng patayan sa ating bansa.
Giit ni Sotto, dapat repasuhin ng UNHRC ang mga hindi makatwirang patakaran nito.