Isinusulong na pagsasapribado ng mga electric cooperative, mariing kinontra sa Kamara

Mariing kinontra ni APEC Party-list Representative Sergio Dagooc ang isinusulong na pagsasa-pribado ng mga electric cooperative, lalo na sa mga rural area o kanayunan at malalayong lugar sa ating bansa.

Giit ni Dagooc, ang privatization ay hindi naman “gamot” sa lahat ng problema sa kuryente at nakababahala na tinatarget umano ng mga pribado at mayayamang kompanya ang mga lugar kung saan lamang sila kikita.

Babala ni Dagooc, kapag itinuloy ang privatization ng electric cooperatives ay mawawala ang ilang dekada ng ibinunga ng rural electrification and development at tiyak mapag-iiwanan ang mga lugar na malayo, maliit ang konsumo, o mahirap pasukin.

Punto ni Dagooc, ang mga electric cooperative na sandigan ng rural electrification program ay tila ngayon mga batang pilit na inagawan ng candy ng pribadong sektor.

Diin ni Dagooc, marami sa electric cooperatives sa bansa ay nananatiling maganda ang performance, mabuti ang pinansyal na estado, at patuloy na nagseserbisyo sa mga komunidad, sa kabila ng kakulangan ng pondo at iba pang mga hamon.

Mungkahi ni Dagooc, sa halip na isapribado ang mga electric cooperatives ay mainam na magpatupad ng mga reporma, magbigay ng mas malaking suporta, at pamumuhunan sa rural electrification program ng gobyerno.

Facebook Comments