ISINUSULONG NA PHILATOM BILL NGISANG KONGRESISTA SA PANGASINAN, MULING ISASALANG SA PLENARYO

Muling isasalang sa plenaryo ang isinusulong na PhilAtom Bill o House Bill No. 8218 ng namumunong kongresista sa ikalawang distrito ng lalawigan ng Pangasinan.
Tinalakay sa naganap na Committee hearing ang usapin ukol sa amendment para sa fiscal autonomy ng nasabing house bill at inaasahang ibabalik sa Joint Committee on Energy and Nuclear Energy upang muling dinggin ito.
Matatandaan na planong ipatayo ang nasabing power plant sa bayan ng Labrador, sa lalawigan na may layuning makapagbigay umano ng mas mura, malinis at ligtas na kuryente sa mga Pangasinense maging sa mamamayang Pilipino.

Samantala, patuloy naman umano ang pakikipag-ugnayan ng tanggapan ng kongresista sa iba’t-ibang mga nuclear related agencies na may interes na suportahan ang isinusulong na Nuclear energy. |ifmnews
Facebook Comments