Dapat na pag-aralang mabuti ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang panukala nitong ‘shame campaign’ sa mga residenteng lumalabag sa quarantine protocols.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesperon Atty. Jacqueline De Guia na posibleng magdulot ng physical violence ang pamamahiya.
Maituturing din aniyang mental torture ang shame campaign.
Bagama’t nauunawan ng CHR ang hirap na pinagdaraanan ng pamahalaan sa pagtugon sa COVID-19 pandemic, mas mainam aniya na pag-isipan muna itong mabuti ng ahensya.
Nanindigan naman ang DILG sa panukala nitong shame campaign.
Ayon kay DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño, apat na buwan na mula nang ipatupad ang quarantine protocols pero hanggang ngayon, marami pa rin ang nagpapasaway.
Samantala, sa Quezon City pa lang, nasa 15,000 indibidwal na ang naaresto ng mga otoridad dahil sa hindi pagsusuot ng face mask na labag sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod.